| Search | Saturday 22 July 2017
Home Filipiniana

Filipiniana

Medusa

 



Siya na nakapantalon

at mainit ang hininga

inihiga ako sa gilid ng mundo

at tiningnan nang tiningnan

Read more...
 

Handog sa Balikbayang Sinta

1.  LUMIPAD KA NA PATUNGONG IRAK AT AFGHANISTAN



Lumipad ka na patungong Roma at London

Balisang nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip

Lubog sa alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod



Lumipad ka na patungong Riyadh at Qatar

Sa pagkamulat kukurap-kurap  sa pagtulog puso'y nagsisikip

Binabagabag ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay

Read more...

Sa Sinumang Mangingibig Na May Lalim ng Makata




Sa sinumang mangingibig na may lalim ng makata,

Ang pagtaga sa haligi'y paglalagda ng misteryo.

Sa yayakap na himaymay, ang talim ng talinghaga

Ay bugtong din ng pagsuyong may pribadong alpabeto.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 06:01 )

Read more...

Mga Ibong -Bahay sa Farmer's, Cubao

 

Itim pa rin ang buga ng hangin

sa paligid ng tupok na palengke.

Itim ang balat ng bubog,

kahoy, semento at trapo.

Itim ang lansa ng hininga

mula sa nangalirang na gusali.

Read more...

Panulat



Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit

kundi sa paghamak sa Bayang may hapis,

manong mabakli ka't ang taglay mong tulis

ay bulagin ako't sugatan sa dibdib.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:30 )

Read more...

Pauwi Mula sa Sine

 



Ang lamig ng kalsada'y

lalong pinalalamig

ng lakad kong mabilis.

Halos hatinggabi na

ang sagot ng orasan

ng isang napagtanungan.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:32 )

Read more...
Page 3 of 7