| Search | Saturday 22 July 2017
Home Filipiniana

Filipiniana

Awit ng Kabalyero

 


Cordoba.

Kay layo at nag-iisa.



Itim na kabayo, bilog na buwan

at mga olibo sa aking kargada.

Kahit na kilala ko ang daan

hindi ko maaabot ang Cordoba.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:35 )

Read more...
 

Paano Na?

 



Sa Wakas

Umulan kahapon

At kahit napakainit

Nang tumila ito,

Kahit papaano

Naibsan ang pagkayamot

Sa napakaagang pagdating

Ng tag-araw.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:37 )

Read more...

Ang Aking Panulat Ay Isang Tag-araw

 


Kahit na limusan ng ulan ng Mayo

ang dukhang panulat,

tigang din sa dugo't luha ng maraming

mga pangyayari sa kasalukuyan.

Tigang din ang papel na pagtutulusan

ng mga katagang bubuo

sa mga hinagpis, himagsik

na di makasibol sa tuyot na labi

ng ating panahon.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:40 )

Read more...

Sa Kaarawan Ng Makata



Gugutumin lang daw ako sa pagsulat;

Ngunit ang panulat itong aking buhay.

(Sa palad ay lubhang mailap ang pilak

Sapagkat sa dustang uri nabibilang).



Mahigit dalawang dekada sa mundo:

Mga taong saklot ako ng pighati,

Pangarap, pag-asa, lugod at silakbo

Na naitutulang nagdurugong ngiti.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:44 )

Read more...

Kung ang Tula ay Wala (Pasintabi sa Makata ng Obando)




Kung ang tula ay wala

kundi kangkong sa sikmura

lalo pa nga kung inumit

sa munting tindahan

ng kapwa nagpapawis,

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:47 )

Read more...

Sanaysay sa Tula


Ang tula ay sining.



Iisa ang kanilang daigdig:

Ang daigdig ng mga kaluluwa.



Iisa ang kanilang kaharian:

Ang kaharian ng kagandahang mulala at

walang malay

Sa kanilang sarili-

Sila na mga matang may pananaw sa dilim,

Sa karimlang mahiwaga,

Sa rurok-lalim ng karimlan.

Last Updated ( Thursday, 23 September 2010 05:03 )

Read more...
Page 4 of 7