| Search | Sunday 22 April 2018

Ang Hatol ng Kasaysayan

E-mail Print PDF

 

Ang iyong pagdapit

Sa balinsusong dawag ay kakambal

Ng isang manisnis, malinsuob na liwanag,

Subalit isa ka rin palang paruparong hubad.

Magaway ang uyayi.

Matalim ang kidlat.

Mahaba ang sungkit.

Malaki ang butas.



Sa pagbagtas mo sa kabilang pampang,

Isang salinlahi ang kasamang napalungi.

Ang lahat ay natuto sa buhay mo:

Ikaw ang hari'y ikaw pa ang payaso.



Ibinaligya mo ang talinhaga

Ng mga buntala

Sa baak na anino

Ng isang pangitain.



Ngayo'y nananahimik ang mga lunsod

At nagigising ang mga talampas.

At ang ngalan mo ang linab

Sa uliuli ng bulkan.

 

 

Anthony F. V. Serrano